Kris Aquino, makakasama sa isang pelikula sa Hollywood

40

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng tvhost/actress na si Kris Aquino na makakakuha na siya ng papel para sa isangpelikula sa Hollywood.
Sa kanyang I.G. account kahapon, inamin ni Kris namayroon nag-offer sa kanya ng naturang proyekto sa ilalim ng malaki at kilalangHollywood studio.
Dumating daw ang offer noong mga panahong napanghinaansiya ng loob dahil sa sunud-sunod na career-related “rejections.”
Nakatakda naman ang contract singing ni Kris ngayong arawsa hindi pa pinapangalanang movie kung saan excited na daw siyang mulingumarte.
Kung maalala, pansamantalang namahinga sa showbiz si Krisdahil sa isyu ng kalusugan.

Facebook Comments