Kris Aquino, nagsorry sa kanyang dating network

Manila, Philippines – Nagsorry ang TV host/actress at ngayon web star na si Kris Aquino sa kanyang dating network matapos na madawit sa bangayan nila ng dating managing director na si Nicko Falcis.

Una na kasing sinabi ni Falcis na nagalit daw si Kris sa pagkakaroon ng koneksyon ng Kapamilya network sa media coverage ng pagdalo nito sa hollywood premiere ng Crazy Rich Asians.

Say ni Kris, hindi niya ito sinabi at pahayag lang ito ni Nicko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na pinost noong January 9.


Bagamat aminado aniya si Kris na masakit ang naging katapusan ng kanyang career sa dating network, naging malaki naman ang naiakyat niyang pera mula sa mga proyekto nito at marami rin magagandang memories dito.

Kasabay nito, sinabi ng queen of all media kay Nicko na huwag daw idamay ni Falcis ang kapamilya network at huwag ilihis ang issue bagkus dapat na sagutin nito ang isinampang reklamo.

Facebook Comments