Manila, Philippines – Matapos ang halos dalawang linggo sa Singapore para sumailalim sa ilang medical procedures, nakabalik na ng bansa si Kris Aquino.
Pagdating sa airport, gumamit ng wheel-chair si Kris dahil nanghihina pa rin daw siya bunsod na din ng dinadaing nitong sakit.
Matatandaan na noong isang linggo kinumpirma ng tinaguriang queen of all media na nakararanas siya ng isang uri ng lupus.
Bukod pa diyan, meron din siyang autoimmune disease kaya nanghihina ang kanyang katawan.
Say ni Kris, karamihan daw ng mayroong autoimmune diseases ay mga babae kaya’t kahit na nakakaranas siya ng pamba-bash ay wala na daw siyang pakialam.
Facebook Comments