Manny Pacquiao, pinagpahinga na ni Coach Buboy Fernandez ilang araw bago ang laban nito kay Adrien Broner

Pahinga muna ngayon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, ilang araw bago ang laban nito kay Adrien Broner.

Ayon kasi kay Coach Buboy Fernandez, kailangan na ni Manny na magpahinga at mahirap na din daw kung magkaroon pa ito ng sakit lalo na at sobrang lamig sa Las Vegas.

At kahit pa gusto na ni Manny na mag-training, pinigilan nila ito para magkaroon ito ng sapat na lakas at stamina para makasabay sa bilis ni Broner.


Mamaya din ay isasagawa ang weigh-in ng dalawang boksingero bukod pa sa huling pakikipagharap nila sa media.

Facebook Comments