Kris Aquino, nilinaw ang balitang binibigyan siya ng offer ng Kapamilya Network

65

Showbiz – Nilinaw ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino na walang nangyayaring negosasyon at offer sa pagitan nila ng ABS-CBN.

Ito ang naging sagot ni KRIS matapos tanuning sa Instagram ng isang netizen kung saan magko-concentrate na muna daw siya sa digital media.

Bukod dito, excited na din si Kris sa bagong YouTube project at magsisimula na din siyang gumawa ng series sa iflix.ph

September noong nakaraang taon nang kumpirmahin ang paglisan ni Kris sa ABS-CBN matapos ang halos dalawang dekadang pagiging kapamilya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinanong si Kris o lumutang ang bali-balita tungkol sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN mula nang lisanin niya ang TV network.

 

Facebook Comments