Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, nagpaliwanag sa hindi nito pagbibigay ng playing time kay Kobe Paras

574

Sports – Nagpaliwanag ngayon si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes kung bakit limitado lang ang oras na ibinigay nito sa basketball teen star na si Kobe Paras sa nagpapatuloy na 39th William Jones Cup sa Taiwan.

Sa naging laban ng Gilas sa Chinese Taipei-A, nanalo ang national team sa score na 88-72 kung saan walang naitalang puntos si Kobe.

Mismong ang mga pinoy fans na nanuod sa laban ang nagsisigawan na para palaruin si Kobe pero mas ninais ni Coach Chot na pagpahinaghin ito upang hindi ito makaramdam ng pressure lalo na’t siyam na sunod na araw ang tournament.

Alas-tres ng hapon, makakaharap naman ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei-B.

 

Facebook Comments