Nagpahiwatig si Kris Aquino na handa siyang tumakbo sa taong 2022 sakaling kakayanin ng kalusugan, ayon sa sagot niya sa isang komento ng netizen sa Instagram post.
Binura man ng netizen ang kaniyang komento, pinaliwanag naman ni Kris kung ano ang anaphylactic shock bago siya husgahan nito at kung paano nakakamatay ang isang allergy.
“I’m making a STAND against whoever MADE this or is PAYING for this post bullying about my ‘malingering’ illness because warning, DO NOT JUDGE… baka iparamdam sa inyo o sa mahal niyo lahat ng nilalabanan ko sa loob ng halos isang taon to teach you compassion,” komento ni Kris.
“Common sense ha, the longer I stay unhealthy, the less likely and 2022. Pero kung papasukin, handang-handa,” dagdag niya.
Sinabi niya ring mayroon siyang limang plataporma na personal na naranasan tulad ng healthcare bilang pasyente, pagbabayad ng tapat sa taxes sa loob ng 32 na taon, edukasyon mula sa perspektibang isang ina, justice system and family code at smaller scale entrepreneurship.
Pinahayag naman ni Kris sa isang dating post na mayroon siyang autoimmune disease na urticaria hives, kung saan ay reddish itchy bumps at dadalhin naman siya sa Singapore para mabigyan ng medical na atensyon.