Kris Bernal, nabiktima ng fake GrabFood booking

Nabiktima ng fake GrabFood booking ang aktres na si Kris Bernal nitong weekend.

Sobrang stress daw ang inabot ng aktres makaraang sunod-sunod na dumating sa kanyang bahay nitong Sabado ng gabi hanggang kahapon ng Linggo ang mga orders.

Nabatid na aabot sa 23 fake booking ang dumating sa kanyang bahay kung saan isang nangangalang Jen-Jen Manalo raw ang umorder.


Hindi na nga raw natuloy ang ilang zoom meetings ni Kris dahil kinailangan niyang harapin ang mga kawawang rider para malaman nilang wala siyang inorder.

Ipinarating na rin ng aktres sa pamunuan ng grab ang insidente at tukoy na nila ang suspek sa nasabing fake food booking.

Facebook Comments