Kris Bernal – nagpapataba na

272

Manila, Philippines – Matapos ang kaliwa’t kanang pamba-bash sa mga sexy pose ni Kris Bernal, target ngayon ng aktres na magpataba.

Matatandaang inulan noon ng negative comments si Kris kung saan may mga nagsabing masyado siyang payat at hindi bagay sa kanya ang mag-bikini photoshoot.


Say ng aktres, inire-respeto niya ang posisyon ng ilan at naniniwala siyang concern lang din ang mga ito sa kanya.

Pero panawagan ni Kris, ‘wag sana siyang madaliin dahil ginagawa naman niya ang lahat para magpataba at madagdagan ang kanyang timbang.
Photo from: gmanetwork.com

Facebook Comments