Dating fruit vendor, ma swerteng napili sa Tawag ng Tulong ng Serbisyong XL ng DZXL RMN Manila

Manila, Philippines – Isang dating fruit vendor sa Mandaluyong City ang nabigyan ng pagkakataong makapagnegosyo muli matapos siyang mapili sa “Tawag ng Tulong” ng programang Serbisyong XL ng DZXL-RMN Manila.

Ang 48 years old na si Ricky Aurelio ay pang-walo sa kanilang sampung magkakapatid at nakatira sa barangay harapin ang bukas.

Kwento ni Ricky, napatigil siya sa pagtatrabaho mula nang humina ang benta niya sa pagtitinda ng prutas at balot.


At dahil sa nalalapit na namang pasok sa eskwela, nais samantalahin ni Ricky ang pagkakataong makapagnegosyo muli gaya ng pagtitinda ng almusal at sari-saring lutong ulam nang sa gayon ay makatulong rin siya sa kanyang mga kapatid.

Kaya sa pamamagitan ng Serbisyong XL, bagong bukas nga talaga ang haharapin ni Ricky kaloob ang puhunan para makapagsimula siyang muli.

Bukod kay Ricky, Wagi Naman Sa Ka-Birthday Game Sina Rick Brian Tepase Ng Quezon city at si Marissa Salazar ng Caloocan.

Panalo rin ng 558 pesos ang mga resbak winner ng 558 game na sina Jocelyn Ramirez ng Caloocan City at Jess Cezar Lavarias ng Rizal.
DZXL558

Facebook Comments