Kris Bernal, sumagot na sa nag-trending niyang larawan na baliktad ang suot na damit

489

Kwelang sinagot ng aktres na si Kris Bernal ang mga komento ng netizens, matapos niyang i-upload sa kaniyang Instagram account ang isang larawan na baliktad ang kaniyang damit pang-itaas.

Ilan sa mga komento ng netizens ay ang; “New style po ba ang baliktad na tube?” at “OMG I just noticed your top worn baliktad, or maybe I’m wrong,”.


Sagot ni Kris, “Yes, SHE-zums, it’s baliktad!

Ito kasi aniya ang kaniyang style para hindi maligaw sa pagda-drive at bilang pagsabay na rin sa trending na April fools.

Kung seryoso naman na dahilan ang hinihingi ng publiko, sinabi ng aktres na madalas talaga siyang nagmamadali kaya nakakaligtaan niya ang mga bagay-bagay.

Hindi rin aniya siya perpekto kaya normal lang na magkamali.



Facebook Comments