Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng abutin pa ng dalawang taon ang nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, hindi madaling matapos ang kasalukuyang krisis.
Aniya, hangga’t walang bakunang available laban sa COVID-19 ay hindi ito mareresolba.
Kasunod nito, umapela ang Pangulo sa publiko na huwag madaliin ang gobyerno sa ginagawang pagtugon sa krisis sa COVID-19.
“Pagka hindi ito naayos, ang COVID, mapurnada talaga tayong lahat. Huwag ninyong madaliin. Sabihin ko sa inyo, think of a COVID ganitong sitwasyon: tatakbo ito ng two years”.
Si Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments