Naniniwala ang militanteng grupong Bayan Muna na hindi dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas sa singil sa kuryente.
Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan Senatorial Candidate Neri Colmenares laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunud-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya.
Sa isang Forum sa Manila ipinaliwanag ni Colmenares hindi dapat gagamitin ng Meralco ang nakakadudang red and yellow alerts ngayon upang itulak ang mga planta nila lalo pa ang Atimonan One sa Quezon.
Nakakapagtaka din aniya at pinalusot ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) at minamadali ng Department of Energy (DOE).
Dagdag pa ni Colmenares na dapat ay isailalim ng Meralco ang lahat ng 7 PSA’s sa Competitive Selection Process (CSP) at kailangan na isumite ang Power Kilowatt Per Hour na napagkasunduan sa pagitan ng MERALCO at ng sariling mga kompanya upang tiyakin na ang presyo ng kuryente ay hindi magiging mapang-api sa mga consumers.