Krisis sa Marawi, hindi na aabot sa pang-apat na buwan – Defense Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi na aabot sa pang-apat na buwan ang kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana, tatlo hanggang apat na linggo na lamang ang kanyang ibinigay na palugid sa afp para tapusin ang natitirang miyembro ng mga terorista.
Dagdag pa ng kalihim, bago magpasko ay makakabalik na muli ang mga bakwit sa kanilang lungsod.

Sobrang liit na lamang ang pinagtataguan ng kalaban na naipit sa 250 by 250 meters.


Naka-alalay na rin ang AFP sa rehabilitasyon ng buong lungsod.
Sa ngayon, nananatiling maingat ang galaw ng sundalo para hindi maapektuhan ang sagradong mga mosque na siyang pinagtataguan ngayon ng mga terorista.

Facebook Comments