Krisis sa pagkain posibleng mangyari ayon kay DA Sec. Dar

Nagbabala ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar na posibleng magkaroon ng food crisis dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ayon kay Dar kabilang sa posibleng dahilan nito ay ang nangyayaring gyera sa Ukraine na nakakaantala ng global food supply chain at nag pabawas sa agriculture productivity.

Maging sa iba pang panig ng bansa.


Dahil dito nababahala si Dar na hindi mapapataas ang produksyon ng pagkain hanggang sa susunod na dalawang taon.

Kasunod nito nananagawan ang kalihim sa lahat ng stakeholders sa sektor ng agrikultura at kawani ng DA na ituon lang ang pansin aa kanilang trabaho.

Kailangan aniya na mag doble time ang lahat para mapigilan ang posibleng krisis sa pagkain.

Kasunod nito nananawagan ang kahilim sa susunod na administrasyon na doblehin o triplihin ang budget sa DA upang masulusyonan ang mga problema sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments