Mayor Isko Moreno, duda sa bagong labas na survey ng Pulse Asia

Duda at hindi naniniwala si Mayor Isko Moreno sa kalalabas lamang na survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Mayor Isko, tila imposible na nasa 4% lamang ang pumapabor sa kaniya sa nasabing survey na isinagawa mula April 16-21, 2022.

Aniya, hindi dapat paniwalaan ang mga survey dahil may mga tao sa likod nito na gustong palabasin na dalawang kandidato lamang ang naglalaban sa pagka-pangulo.


Paraan din daw ang mga survey para ikondisyon ang isipan ng bawat pilipino para dalawa lamang daw ang papilian.

Pero magkaganoon pa man, naniniwala si Mayor Isko na may pagkakataon pa kahit na ilang araw na lamang ang halalan.

Aniya, mas lalo nilang pagpupursigihin ang pangangampaniya para ipabatid sa tao ang kanilang mga hangarin sakaling manalo.

Maging ang buong partido Aksyon Demokratiko ay naniniwalang hindi pa huli ang lahat para makuha ni Mayor Isko ang panalo sa darating na 2022 national and local election.

Facebook Comments