Manila, Philippines – Krisis sa tubig at problema sa suplay ng kuryente, ito pa rin ang matinding sakit ng ulo ng mga taga Ormoc, kayat mismong si Mayor Richard Gomez na ang umaapila ng saklolo.
Labing tatlong barangay sa Ormoc City ang napuruhan ng 6.5 five magnitude na lindol noong Huwebes.
Sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan, higit walong daan ang totally damaged na mga bahay.
Higit isang libo naman ang nasira o partially damaged at nasa mahigit 500 pamilya naman ang apektado.
Malaking tulong sa mga taga Ormoc ang mga bottled water na donasyon dahil nasira ng malakas na lindol ang water system bunsod ng siyudad.
Aabutin naman ng Agosto ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa lugar na sinira din ng lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558