Turkish terrorist, nakapasok na rin sa Pinas!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng mismong Turkish ambassador na si Esra Cancour na nakapasok na sa Pilipinas ang grupo ng mga teroristang galing Turkey, na kilala bilang Fethullah Gulen Movement.

Grupo ng mga Islamic preachers’ ang nasabing grupo, sila rin daw ang promotor ng nabigong coup sa Turkey noong 2016.

Ayon kay ambassador cancour, may mga galamay ang Fethullah Gulen Movement sa limampung bansa kabilang na ang Pilipinas.


Ginagawa ring cover ng grupo, ang pagtatayo ng mga eskwelahan at mga charity work.
Sabi pa ng Turkish ambassador aktibo ang Fetullah Gulen sa pagbubukas ng mga eskwelahan.
Simula pa noong 1997 sa Zamboanga, mayroon na raw silang dalawang eskwelahan sa Maynila.

Nasa terror list ng Turkey, Cyprus at Organization of Islamic Cooperation ang nasabing grupo.

Facebook Comments