iFM News Laoag – Nagkansela na ng pasok sa opisina ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte pati narin sa pampubliko at pribadong paaralan.
Alinsunod ito sa utos ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc na kailangang paghandaan ang Bagyong Kristine na posibleng mararamdaman ngayon araw sa lalawigan.
Pinapahanda naman ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan lalo na ang mga disaster response team na kailangang nakapwesto na ang mga evacuation center pati narin ang mga gamit na kakailanganin.
Pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang bayan dito na ihanda narin ang kanilang mga relief goods upang mabilis ang pagbigay ayuda sa mga posibleng maapektohan.
Sa ngayon kalat kalat na pag-ulan at hangin pa lamang ang nararanasan dito habang ang lalawigan ay nakataas parin sa signal number hanggang sa mga sandaling ito. | via Bernard Ver @RMN News