Kristo ng sabungan patay sa pamamaril sa Pigcawayan, North Cotabato

12

Patay ang isang kristo ng sabungan matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals dakong alas tres ng hapon noong byernes sa Brgy. Tubon, Pigcawayan, North Cotabato.
Kinilala ni Pigcawayan PNP chief, Chief Inspector Realan Mamon ang biktima na si Bonifacio Bermudez Seguinte, 59 anyos residente ng North Manuangan .
Sa report ng pulisya, galing ng sabungan sa Brgy Capayuran ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng di nakilalang mga suspeks.
Multiple gunshot wound ang tinamo ni Seguinte. Narekober sa crime scene ang apat na mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Sinasabing nasa drug watchlist din ang pinaslang na si Seguinte.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments