Kristoffer Martin, inaming isa nang ama!

72

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Kristoffer Martin na isa na siyang ama.

Emosyonal ang 26-year-old Kapuso actor nang aminin nito na may apat na taong gulang na siyang anak na babae na nagngangalang Prè.


Say ni Kristoffer, bagama’t ngayon niya lang ito inamin sa publiko, hindi niya itinatago na may anak na siya dahil mahal na mahal niya ito.

Halos alam din naman raw nito ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz industry na may anak na siya at hindi rin niya itinatanggi sakaling may nagtatanong sa kanya hinggil dito.

Sinabi ni Kristoffer na hindi lang niya isinasapubliko ang anak upang maprotektahan ang pribadong buhay niya.

Sinabi rin ng aktor na bagama’t hindi nagwork-out ang relasyon nila ng ina ng kanyang anak, nag-uusap naman sila para sa bata at nangakong magiging responsableng ama para kay Pre.




Facebook Comments