Bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa Pasay City, patuloy na tumataas

20

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga residenteng nakakakober sa COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Sa inilabas na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga nakakarekober kaya’t pumalo na ito sa 6,670.


Bukod dito, nakapagtala rin ng karagdagang 15 na bagong kaso kaya’t nasa 89 na ang bilang ng active cases sa lungsod.

Nananatili naman sa 181 ang bilang ng nasawi habang nasa 6,940 ang kumpirmadong kaso.

40 mula sa 201 barangay sa lungsod ng Pasay ang wala ng naitatalang kaso ng COVID-19 pero ang Barangay 183 o ang Villamor Area ang may mataas na bilang na nasa 22.

Facebook Comments