KRITIKAL | Lalaki, sugatan matapos tagain ng nobyo ng kaniyang karelasyon

South Cotabato – Sugatan ang isang lalaki matapos itong tagain ng nobyo ng babaeng kaniyang karelasyon din sa Purok 3, Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Sa ulat, sinundan ng suspek na si Alex Balunto ang nobyang si Mary Joy Gule kung saan nakipagkita ito sa biktimang si Muniel Calayo na karelasyon din ng babae.

Naabutan ng lasing na si Balunto ang kaniyang kasintahang si Gule kasama ang karelasyon nitong si Calayo saka nagkaroon ng tensyon at pagtatalo na nauwi sa pananaga ng suspek gamit ang dalang itak.


Nagtamo ng malalang mga sugat ang biktima at agad na isinugod sa bahay pagamutan na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Kusa naman sumuko sa mga pulis ang suspek pero nang dahil sa insidente ay natuklasan din na ang biktima ay kasal pala sa ibang babae kaya at todo pagsisisi ngayon si Gule na siyang pinagmulan ng gulo.

Facebook Comments