Kritikal na sitwasyon ng tubig sa Angat Dam dapat agapan – MWSS

Iginiit ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na hindi na dapat paabutin sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam.

Kasunod ito ng mga mungkahi na dapat isagawa na ang cloud seeding operation para sa mga dam.

Ayon kay Velasco, dapat agapan na agad ang sitwasyon dahil sa Angat umaasa ng tubig para sa Metro Manila, irigasyon at sa produksyon ng kuryente.


Sa ngayon 195 meters nalang ang lebel ng tubig sa Angat Dam malapit na sa kritikal na 180 meters.

Kapag umabot na ito 180 meters babawasan na ang irigasyon ng tubig at apektado na rin ang suplay ng kuryente.

Facebook Comments