Binigyang diin ng Palasyo na dapat nang tanggapin ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang chief executive ay minamahal at pinagkakatiwalaan ng publiko.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador panelo kasunod ng resulta ng social weather stations survey kung saan lumabas na pitumpo’t siyam na porsyento ng mga Filipino ang satisfied sa war on drugs ng administrasyon.
Ayon kay Panelo, nagpahayag na ng pagtitiwala at satisfaction ang publiko.
Sinabi ni Panelo ito ay bunsod ng pag-baba ng apatnaput dalawang porsyento ng mga drug suspek sa bansa, labing-walong porsyento sa mga drug suspek ang nadakip habang bumaba rin ng labing-isang porsyento ang crime rate sa Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim, malinaw lamang na patunay ito na hindi tinatanggap ng mga Filipino ang paninira ng oposisyon at hindi pinaniniwalaan ang ipinalulutang na fake news upang dungisan ang pangalan ng administrasyon
Mag-silbi na rin aniya itong wake-up call para sa mga dayuhang bansa upang pakinggan ang tunay na sentimyento ng publiko kaugnay ng human rights concerns sa Pilipinas.