Posibleng panggulo ng mga teroristang grupo sa Metro Manila ngayong holiday season tutukan

Bagamat walang namomonitor na banta mula sa mga teroristang grupo sa Metro Manila nanatiling alerto ang Philippine National Police (PNP) para hindi makalusot ang mga ito.

Tiniyak ni PNP Officer in Charge Lt General Archie Gamboa na po protektahan ng PNP ang publiko laban sa mga manggugulong grupo ngayong nagdiriwang ng pasko at bagong taon ang mga Pilipino.

Aniya naka full alert ang buong hanay ng PNP nationwide para bantayan ang publiko.


Pero hinikayat ni Gamboa ang publiko na makipag tulungan sa mga awtoridad kung may mga nakitang kahina hinalang bagay o tao para agad na mapigilan ng mga awtoridad.

Ginawa ni Gamboa ang panawagan matapos ang sunod sunod na pagsabog sa Cotabato.

Facebook Comments