“Wishful thinking” lang ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y namumurong kudeta sa speakership race.
Ito ay makaraang ibunyag ng anak niyang si Davao City Representative Paolo Duterte na isa sa tatlong speaker aspirant ang nagbabalak mag-kudeta sa mismong araw ng botohan sa July 22.
Pero sa ambush interview sa Malacañang kagabi, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang makakakuha ng sapat na boto si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano.
Lunes nang i-endorso ni Pangulong Duterte si Cayetano bilang house speaker na papalitan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa ilalim ng term sharing scheme.
Samantala, nananatiling tutol si Davao City Mayor Sara Duterte sa usapin ng term sharing.
Para sa alkalde – pababagalin lang nito ang trabaho ng mga kongresista.