Kudeta sa Kamara, malabong mangyari ayon sa isang Kongresista

36

Kumpiyansa si Albay Congressman Joey Salceda na malabong magkaroon ng kudeta sa botohan sa House Speakership.

Sa forum na Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Salceda na sa pagbubukas ng Kongreso sa Lunes, Hulyo 22, ay masusunod ang kagustuhan ni Pangulong Rodigo  Duterte na maitalaga si Taguig City Congressman Alan  Peter Cayetano bilang House Speaker kahati si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco habang Majority Floor  Leader si Leyte Congressman Martin Romualdez.


Ayon kay Salceda, ang tatlong mahigpit na magkakaribal sa House Speakership na sina Cayetano, Velasco at Romualdez ay pawang ‘friendly’ naman.

Dagdag pa ni Salceda na nakausap na rin niya ang iba’t ibang Partido at wala siyang nakikitang may posibilidad na mangyayari ang kudeta.

Sa ngayon aniya ay pinagkakaabalahan nila ang pag-aayos ng mga komite sa Kamara upang preparado na ang lahat sa pagbubukas ng 18th Congress.

Facebook Comments

From Advertisers