Mga empleyado ng San Juan City Hall at San Juan Medical Center, makukuha na ang kanilang sweldo

207

Nagpasalamat ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora sa naging kooperasyon ng lahat ng konsehal ng lungsod.

 

Ito’y matapos siyang mabigyan ng authorization para pirmahan ang mga dokumento para magkaroon na ng sweldo ang ilang empleyado ng city hall at San Juan Medical Center.


 

Sinabi pa ng alkalde na makukuha na ng mga empleyado ang buong buwan na sahod nila ng Hunyo kasama na din amg sweldo nila nitong July 15.

 

Masaya din ibinalita ni Zamora na sa darating na July 29 ay muli na nilang bubuksan ang isang building ng west Crame Elementary Schools na una nang ipinasara noong 2015 dahil katabi lang nito ang firing range ng headquarters ng PNP.

 

Pero tiniyak ni Zamora na ligtas na ang nasabing gusali, base na rin sa certification mula mismo sa PNP at Department of Education.

 

Tinataya naman nasa higit 200 estudyante na mula sa kalapit na paaralan ang ililipat at makikinabang sa nasabing building.

Facebook Comments

From Advertisers