KUKUMBINSIHIN | Papal visit, hiniling ng Taiwan

Plano pa rin ng Taiwan na kumbinsihin ang Vatican na magkaroon ng isang Papal Visit sa kanilang bansa.

Ito ay kahit hindi pinaunlakan ng holy see ang kanilang imbitasyon na ginawa ni Vice President Chen Chien-Jen matapos ang naging pulong nito kay Pope Francis noong nakaraang linggo.

Layunin ng nasabing pulong na mapalalim pa ang ugnayan ng Taipei at ng nag-iisa na lamang nilang kaalyado sa Europe.


Ayon sa foreign ministry ng Taiwan, hindi raw sila matitinag at kanila pa rin daw itong pipiliting mangyari kung saan ang pagbisita sa kanila ni Pope Francis ay magpapabuti pa raw ng Taiwan-Vatican relations.

Facebook Comments