KUKUMUSTAHIN | Pangulong Duterte, bukas pa haharap sa mga kababayan natin sa Hong Kong

Hong Kong – Dumating na kagabi sa Hong Kong si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Kasama ng Pangulo na dumating sa Hong Kong ay ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio at ang apo na si Stingray.

Walang official schedule si Pangulong Duterte ngayong araw pero napag-alaman na papasyal naman ang apo ng Pangulo na si Stingray kasama ang ina na si Mayor Sara sa Disneyland pero hindi naman malinaw kung kasama si Pangulong Duterte.


Matatandaan na ito ang unang pagkakataon na nakasama ng Pangulo si Mayor Sara sa kanyang biyahe sa labas ng bansa kung saan sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na posibleng hindi ito ang huling pagkakataon na makakasama ng Pangulo ang anak sa biyahe sa labas ng bansa.

Bukas pa haharapin ni Pangulong Dutere ng mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

Sa Biyernes pa nakatakdang umuwi ang Pangulo at dederetso na ito sa Davao City.

Facebook Comments