Manila, Philippines – Nakatakdang maghain ng motion of reconsideration ang Sear Telecom para kwestyunin ang isyu na kanilang nasilip sa Mislatel at para mag-comply sa requirement na hindi naipasa sa tamang panahon bago ang bidding.
Ayon kay dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, na sumusuporta sa Sear Telecom, gumamit ang Mislatel ng prangkisa na eksklusibong hawak na ng ibang kumpanya.
Ibig sabihin, hindi pa dapat payagan ang consortium ng Mislatel na pumasok sa bagong kontrata sa National Telecommunication Commission o NTC.
Mababatid na diniskwalipika ng NTC selection committee ang Sear Telecom dahil sa kabiguan nito na bayaran ang P700-million participation security.
Magugunita na ang consortium ng Mislatel ang natirang bidder matapos madiskwalipika ang lahat ng mga kalaban nito para maging “provisional” third major telco ng bansa.