KULANG | DA, aminado na hindi sapat ang pondo para tugunan ang pinsala ng TY Ompong

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na hindi sapat ang pondo nito para tugunan ang malawak na pinsalang iniwan ng bagyong Ompong sa mga probinsya sa northern at central Luzon.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hihintayin ng ahensya ang magiging tugon ng Pangulo para pakilusin ang Kongreso sa pagapruba sa isang ‘supplemental budget.’

Sa ngayon tinutulungan ng DA ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng crop insurance, sure loan program at iba pang uri ng ayuda.


Sa pinakabagong tala ng Department of Agriculture (DA), umakyat na sa mahigit P26.7 billion ang damage at production losses ng bagyong Ompong sa agriculture sector ng bansa.

Pinakamalaki pa rin ang production loss sa commodity na palay na sinundan ng mais, high valur crops, livestock at fisheries maliban dito nasira rin sa rehiyon ang maraming irrigation, agri-infra-facilities, machineries at equipment.

Facebook Comments