KULANG | Kakulangan ng mga doktor para tugunan ang pangangailangang medikal ng senior citizens, ikinabahala

Manila, Philippines – Ikinabahala ni Senator Sonny Angara ang kakulangan ng mga doktor sa bansa na may kasanayan para tugunan ang pangangailangang medikal ng mga senior citizens.

Pahayag ito ni Angara kasunod ng impormasyon mula sa retirement and healthcare coalition na mayroon lamang 140 geriatric doctors para sa 8-milyong mga lolo at lola sa Pilipinas.

Nabatid din ni Angara na kulang din ang mga pasilidad para makamit ng nabanggit na mga doktor ang sapat na training o kasanayan na kailangan nila.


Ikinalungkot din ni Angara na limitado ang kapabilidad ng National Center for Geriatric Health sa Maynila na itinayo noong 2010 para magserbisyo sa mga maysakit na nakatatanda.

Nauna ng inihain ni Angara ang Senate Bill 1157 na nagkakaloob ng scholarship sa mga nais maging doktor para matugunan ang kakulangan ng mga doktor sa bansa.

Facebook Comments