KULANG-KULANG 300 NA FISHERFOLKS AT CORN FARMERS SA CAUAYAN CITY, MABIBIGYAN NG FUEL DISCOUNT VOUCHER

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 284 na fisherfolks at corn farmers ang bibigyan ngayon ng fuel discount voucher mula sa Department of Agriculture bilang tulong at suporta sa kanila ng ating pamahalaan sa nagpapatuloy na global economic changes at pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa ating panayam kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Cauayan City, first time anuya ito sa kasalukuyang administrasyon na kung saan ay mayroon na silang hawak na listahan ng mga benepisyaryo na pasok sa nasabing subsidiya.

Kanyang sinabi na ang 284 na benepisyaryo na mula sa 27 barangays sa Lungsod ay makakatanggap ng tig-tatlong libong piso halaga ng discount voucher na kanilang gagamitin sa mga participating gas station.

As of June 1, 2022, mula sa 284 na benepisyaryo ay nasa 196 na mga magsasaka at mangingisda pa lamang ang validated at qualified ng Cauayan City Agriculture Office habang nasa 57 pa ang kanilang ivavalidate.

May 31 corn farmers at fisherfolks naman ang na-disqualified sa ginawang balidasyon ng mga kawani ng City Agriculture Office.

Ayon kay City Agriculturist Engr. Alonzo, masusi at personal aniya ang kanilang ginagawang balidasyon sa bawat corn farmers at fisherfolks dito sa Lungsod para matiyak kung meron silang mga makina o kung gumagana pa ang mga ito o di kaya ay kung meron silang fishpond.

Nilinaw ni alonzo na unang batch pa lamang ito ng kanilang pamamahagi ng fuel discount vouchers na target namang maibigay sa katapusan ng Hunyo.

Umaasa naman ito na mabibigyan din ng tulong ang iba pang mga magsasaka na hindi kwalipikado sa nasabing tulong.

Facebook Comments