KULANG-KULANG P3 MILYONG HALAGA NG AYUDA, IPINAMAHAGI SA AGLIPAY, QUIRINO

Cauayan City, Isabela- Hindi bababa sa dalawang milyong pisong halaga ng TUPAD assistance ang ipinamahagi ng DOLE Quirino Field Office sa bayan ng Aglipay, Quirino.

Sa datos ng DOLE Region 2, tinatayang nagkakahalaga sa kabuuang P2,763, 900.00 na halaga ng sahod ang naibigay sa 747 na benepisyaryo ng TUPAD Program bilang bayad sa kanilang sampung araw na pagtatrabaho.

Hiniling naman ni DOLE Provincial Director Laura Diciano sa mga nasahuran na gastusin sa tama ang kanilang natanggap na sahod.

Nilinaw ni Diciano na lahat ng mga naging benepisyaryo ng TUPAD ay hindi na maaaring makapag-avail ng parehong ayuda dipende na lamang kung maapektuhan ng matinding kalamidad.

Samantala, nagpapasalamat naman ang isa sa mga tumanggap ng TUPAD na si Pedro Dimmang, 62 taong gulang ng Brgy. San Antonio dahil malaking tulong aniya ito sa kaniyang pamilya para pambayad sa kanilang bill sa ospital.

Facebook Comments