Tattoo Artist, Timbog sa Buy Bust!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang magtatatu matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Barangay Malvar, Santiago City, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Rene Imperial, trentay uno anyos, walang asawa, magtatatu at residente ng Barangay Mabini, Santiago City, Isabela.

Si Imperial ay nadakip nang pinagsanib pwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit, Santiago City Police Station 1 at Police Station 2, Regional Drug Enforcement Unit at ang PDEA RO2 kung saan nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang pakete ng tuyong Marijuana na nakabalot sa diyaryo na may bigat na anim na raang gramo.


Narekober pa mula sa suspek ang limang libong piso bilang marked money.

Hawak na ng Santiago City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments