Manila, Philippines – Posibleng irekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsuspendi sa pagpapatupad ng TRAIN Law.
Ayon kay Gatchalian, kapag hindi bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin magpapasa sila ng batas para masuspinde ang tax reform package ng gobyerno sa susunod na taon.
Aniya, kulang ang mga programa ng administrasyon para hindi gaano maramdaman ang epekto ng batas lalo na sa presyo ng mga bilihin.
Sabi naman ni Senador Bam Aquino na kung walang gagawing konkretong aksyon ang gobyerno sa susunod na taon mas lalong maghihirap ang mga mahihirap.
Nagbabala rin si Aquino na asahan pang taas ang presyo ng mga bilihin simula sa 2019.
Facebook Comments