KULONG | 40-anyos na babae, arestado matapos magnakaw ng chocolate sa isang mall sa Maynila

22

Manila, Philippines – Arestado ang isang 40-anyos na babae matapos magnakaw ng chocolate sa isang mall sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala lang ang suspek sa pangalang “Cristina”, residente ng Bagumbong, Caloocan City.

Palabas na umano ng supermarket ang ginang bitbit ang 5 piraso ng tsokolate na nagkakahalaga ng P800.

Nang sitahin ng gwardiya, wala raw siyang maipakitang resibo.

Sinampahan na ng kasong shoplifting ang suspek.

Facebook Comments