Lalaking Nagpakita ng Baril, Arestado!

8

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 at Paglabag sa Omnibus Election Code ang isang lalaki matapos magpakita ng iligal na baril pasado alas dose ngayong araw sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Benjamin Garcia, sisentay singko anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng brgy. Marabulig, Cauayan City.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang isang concerned citizen ang himpilan ng PNP Cauayan City na mayroon umanong isang lalaki ang nagpakita at hawak-hawaka na baril habang ito ay nakikipag-inuman.

Agad namang tinungo ng kapulisan ang naturang sumbong at dito naaktuhan ang suspek na hawak ang kanyang baril at nang hanapan ito ng dokumento ay walang maipakita kaya’t agad itong dinakip.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang homemade shotgun, apat na bala ng shotgun, isang caliber 22 rifle, isang kutsilyo at isang spent shell ng caliber 38.

Dinala na sa PNP Cauayan City ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments