KULONG! | AWOL na pulis, huli sa buy-bust sa Cotabato

North Cotabato – Kalaboso ang isang pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Poblacion sa Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang suspek na si PO1 Ruel Pilipinas alyas Weng-Weng, 47 taong gulang at absence without leave o AWOL sa serbisyo.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agent (PDEA) Region 12 Director Naravy Duquiatan, kabilang si Pilipinas sa kanilang drug watchlist at isa itong miyembro ng sindikato.


Kabilang din si Pilipinas sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Narekober mula sa suspek ang siyam na sachet ng shabu, mga bala ng kalibre 50 machine gun at mga drug paraphernalia kung saan ginagamit ni Pilipinas ang kanyang sariling bahay bilang drug den.

Mahaharap si Pilipinas sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Illegal Possession of Explosives and Ammunition.

Facebook Comments