NAHAGIP | Driver ng isang SUV, sugatan nang kaladkarin ng tren sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang driver ng isang SUV matapos kaladkarin ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila.

Sugatan sa insidente ang driver na si Efren Castro at ang sakay nito.

Ayon kay SPO3 Roy Magsino, tinangkang tumawid ng sasakyan sa riles habang paparating ang tren na biyaheng Tutuban.


Kwento ni Castro, papasok siya sa may Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang mangyari ang insidente.

Aniya, mabagal ang kaniyang pagpapatakbo ng sasakyan dahil sa bako-bakong kalsada.

Araw-araw rin raw siyang dumadaan doon at wala ring tauhan ng PNR na sumesenyas kung paparating na ang tren.

Sabi ni Magsino, nakatigil ang tren dahil nasira ang bahagi ng makina nito.

Facebook Comments