KULONG | Construction worker na rapist at magnanakaw, arestado

Manila, Philippines – Sa tulong ng CCTV footage at ng ginamit niyang shorts, arestado ang isang construction worker na suspek sa panggahasa sa isang grade 9 student sa Quezon City.

Natuklasan din na matapos ang panggagahasa, pinagnakawan pa ng suspek na si Randy Depra ang estudyante.

Kwento ng mga kaanak ng katorse anyos na biktima, natutulog sila kahapon ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay.


Dito na umano hinawakan ng suspect ang biktima at huminto lang nang sabihin ng bata na pulis ang kanyang ama.

Bago umalis ang suspek, kinuha nito ang P300 allowance ng biktima pagkatapos binusalan, ginapos at pinagbantaang papatayin siya.

Naaresto naman ang suspek sa ikinasang follow up operation ang mga pulis.

Napag-alaman na dati nang may kasong frustrated murder ang suspek at miyembro ng sputnik gang.

Facebook Comments