KULONG | Driver na nakasagasa sa Pasay City, sumuko na

Pasay City – Sumuko na ang driver ng SUV na nakasagasa sa babaeng tumawid sa Buendia Roxas Boulevard Flyover sa Pasay City kagabi.

Iginiit ng driver na kinilalang si Jeric Golez, hindi niya balak takasan ang nabanggang biktima at katunayan ay naghanap pa ito ng pulis para humingi ng saklolo.

Ayon kay Golez, galing siya ng Quezon City at papauwi na ng Las Piñas City nang biglang tumawid sa madilim na bahagi ng flyover ang biktima kaya hindi niya ito nakita.


Samantala, binawian na ng buhay kaninang madaling araw ang biktimang babae na wala pa rin pagkakakilanlan, tinatayang nasa 50-anyos at nakasuot ng pulang t-shirt at grey na shorts.

Sa ngayon ay nakakulong na ang driver sa Pasay traffic sector at kakasuhan ng reckless imprudence, resulting to homicide.

Facebook Comments