KULONG HABAMBUHAY | 2 Canadian drug lord na naaresto noong 2014, hinatulan ng guilty

Manila, Philippines – Hinatulan ng guilty ng Makati Regional Trial Branch 62 ang dalawang Canadian drug lord na sina James Clayton Riach at Ali Mortazavi Shirazi na kapwa naaresto noong 2014 dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ng korte laban sa dalawa.

Sa raid noong 2014, nakuha sa dalawang dayuhan ang P100 milyon halaga ng shabu at ecstasy.


2015 nang sila ay pansamantalang makalaya matapos magpiyansa pero iniutos ng korte ang muling pag-aresto sa kanila.

Facebook Comments