KULONG | Isang lalaki, kulong matapos pagbantaan ang sarili nitong magulang sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos ipakulong ng sarili nitong magulang sa Maria Clara street sa Maynila.

Mula ulat, pinagbantaan ng suspek na si Bench Gerlad Fajarito ang kaniyang mga magulang na papatayin kaya at hindi na nag dalawang isip pa ang tatay nito na isumbong ito sa mga pulis.

Nang rumesponde ang mga tauhan ng Blumentritt PCP-MPD station 3, agad nila dinakip ang suspek sa loob ng kwarto nito kung saan nakuha sa kaniya ang isang plastic na puno ng mga buto ng Marijuana.


Todo hingi naman ng tawad ang anak sa mga magulang pero nanindigan ang tatay na ipakulong ito o kaya ay ipa-rehab.

Facebook Comments