NANLABAN | Dalawang drug pusher, patay sa ikinasang buy bust operation sa Malolos

Bulacan – Dead on the spot ang dalawang drug pusher matapos manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy bust operation sa Barangay San Vicente, Malolos City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mervin Gakad at Valentin Pellego habang nakatakas naman ang kanilang kasamahang si Paquito Yamson.

Ayon sa Malolos City Philippine National Police (PNP), aarestuhin na sana nila ang mga suspek matapos ang transaksyon ng kanilang poseur buyer.


Pero bumunot ng baril ang isa sa mga suspek saka pinaputukan ang mga pulis kung kaya at gumanti rin ng putok ang mga otoridad, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Sa gitna ng barilan, ay tumakas si Yamson kung saan patuloy itong tinutugis ng mga pulis.

Facebook Comments