KULONG! | Lider ng criminal gang na sangkot sa panghoholdap at pagbebenta ng iligal na droga, arestado sa Camarines Norte

Camarines Norte – Nahuli ng mga tauhan ng PNP-CIDG Bicol Region ang lider ng criminal gang na responsable sa serye nang pangho-holdap at pagpapakalat ng iligal na droga sa Camarines Norte.

Kinilala itong si Rogelio Avila Jr. 43-anyos, residente ng Barangay OsmeƱa Jose Panganiban Camarines Norte na lider ng Avila criminal gang.

Ayon kay PNP CIDG Bicol Region Chief Senior Superintendent Wilson Asueta inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 64 sa Daet Camarines Norte dahil sa kasong Robbery with violence Against or Intimidation if Person.


Narekober mula sa suspek ang isang 38 revolver, isang fragmentation grenade, isang transparent sachet na may lamang shabu.

Facebook Comments