KULONG | Magpipinsan, arestado sa buy bust operation sa Pasay City

Pasay City – Arestado ang tatlong magpipinsan sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Aurora Boulevard, Pasay City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Alex Masucad, Gimaludin Omar, Mohamad Lidasan na pawang mga galing sa Cotabato.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, ang tatlong suspek ang itinuturong pinagkukunan ng ilegal na droga ng mga nahuhuli nila sa kanilang operasyon.


Nakuha sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon

Facebook Comments