PASAWAY | Ikinasang clearing operation ng MMDA nitong Mayo, umabot na sa 22

Manila, Philippines – Umabot na sa 22 clearing operation ang ikinasa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nito lang buwan ng Mayo.

Ayon kay Celine Pialago, MMDA spokesperson, sa 510 nilang nahuli, 372 ang binigyan ng ticket at 138 sasakyan ang kanilang hinila.

Habang anim na ang ilegal na istruktura ang kanilang giniba.


Kasabay nito, nagbabala ang MMDA na kasalukuyang tinututukan ng MMDA clearing operations ang lungsod ng Maynila.

Facebook Comments